Pages

ANG KARMA

Ang salitang Karma ay nagmula sa salitang (Sanskrito sa India) na ang ibg sabihin ay 'galaw' o sa salitang English ay action.

Ang 'paraan' na ginagamit sa ganitong sistema ng pagaaral ay ang Batas ng Galaw at Ganting Galaw ( sa Silangan ay tinatawag na 'Law of karma') kung saan ang Biblia ay naglalarawan din ng ganito: "Kung ano ang inihasik ng tao, ay siya ring aanihin." 

Sa mga tuntunin ng modernong physics, ang Batas ng Galaw-Ganting Galaw ay maaaring  lagumin bilang: "Para sa bawat galaw, mayroong isang pantay at katapat na reaksyon." Bawat pag-iisip at gawa ay nakakalikha ng isang dahilan na humahantong sa mga tiyak na mga epekto na magbubunga ng kabutihan o kapahamakan."