Ang tao ang sinasabing pinakamataas na uri ng hayop sa balat ng lupa,ito ay isang kasabihan na maaring totoo, at me mga kaalaman din na nagsasabi ng ganito. Subalit ano nga ba talaga ang tao?
Ayon sa matandang karunungan (Ancient Wisdom) ang tao ay dumaan sa mahabang ebolusyon bago narating ang kasalukuyan nyang kalagayan sa ngayon.Sinasabi rin ng kaalaman na ang tao ay binubuo ng pitong katawan.
Ang unang katawan ay ang katawan pisikal, ito ang nakikita natin na tinatawag nating "katawan ko." Ito ay ginagamit natin sa paghahayag dito sa plano pisikal or physical plane. Ang katawang ito ang ginagamit natin sa lahat ng bagay na nangangailangan ng pagkilos o pag gawa, madali itong makilala sapagkat nakikita natin ito.
Ang ikalawang katawan naman ay ang katawang eteriko (etheric body). Bahagi din ito ng katawang pisikal subalit hindi nakikita ng mata, ito rin ang nagsisilbing molde ng katawang pisikal.
Ang ikalawang katawan naman ay ang katawang eteriko (etheric body). Bahagi din ito ng katawang pisikal subalit hindi nakikita ng mata, ito rin ang nagsisilbing molde ng katawang pisikal.
Ang ikatlong katawan ay tinatawag na katawan damdamin or astral/emotional body sa english. Ito ang katawan na ginagamit natin sa pagalaw ng ating damdamin tulad ng pagmamahal, galit, inggit, selos, at iba pa na kaugnay sa ating damdamin. Ito ay hindi nakikita subalit nararamdaman, kasabihan nga ng kababaihan "mabuti pang sinampal mo na ako kesa sinaktan mo ang aking damdamin.
Ang ika apat katawan na ating ginagamit ay ang mababang katawang isip or lower mental body sa english, ito ang katawang ginagamit natin sa pag-iisip, sa pagbubuo ng mga kaisipan, sa pagpaplano natin gawin, ang katawang ito ang ginagamit natin sa pagbubuo ng lahat ng binabalak natin sa buhay. Ang concrete mind ang kinaroroonan ng mga kaisipan nating karaniwan ginagamit sa pang araw araw nating buhay.
Ang tatlong sumusunod pang katawan ng tao ay ang tinatawag naman na Spiritual Triad. Ito ang ang abstract body or (higher mental body) buddhic body at atmic body.
Ang abstract mind or Higher Mental Body ang pinagmulan naman ng mga matataas na adhikain na karaniwan espiritual, dito sa abstract mind nagmumula ang mga inspirasyon na nagagamit ng mga alagad ng sining tulad ng mga pintor at maging mga siyentipiko.

Ang susunod na katawan naman ay ang katawang buddhic or (buddhic body). Ang katawang ito ay lubhang pino at dito nakalundo ang liwanag ng karunungan ng tao (seat of wisdom)
Ang susunod pang katawan ay ang katawang atmic or (atmic body). Ito ang sumasalamin na katulad ng katangian ng Araw ang Panginoon ng ating solar system. Katulad ng patak ng tubig mula sa dagat taglay din ng isang patak ang katangian na katulad ng dagat.
Ang lahat ng pitong katawan ay may kaukulang galaw sa ating pang araw araw na pamumuhay.

Bagama't anyong magkakahiwalay ang mga katawan subalit ito ay hindi hiwalay. Ito ay interpenetrating or magkakalahok lamang sa loob ng ating aura.
No comments:
Post a Comment