Ang salitang Karma ay nagmula sa salitang (Sanskrito sa India) na ang ibg sabihin ay 'galaw' o sa salitang English ay action.
Ang 'paraan' na ginagamit sa ganitong sistema ng pagaaral ay ang Batas ng Galaw at Ganting Galaw ( sa Silangan ay tinatawag na 'Law of karma') kung saan ang Biblia ay naglalarawan din ng ganito: "Kung ano ang inihasik ng tao, ay siya ring aanihin."
Sa mga tuntunin ng modernong physics, ang Batas ng Galaw-Ganting Galaw ay maaaring lagumin bilang: "Para sa bawat galaw, mayroong isang pantay at katapat na reaksyon." Bawat pag-iisip at gawa ay nakakalikha ng isang dahilan na humahantong sa mga tiyak na mga epekto na magbubunga ng kabutihan o kapahamakan."
Ang mga halimbawa ng pag-iral ng batas na ito ay makikita natin sa lipunan na ating ginagalawan. Sa kapaligiran ay makikita ang katuparan ng batas na ito.
Sinasabi sa Banal na Kasulatan na ang Diyos ay hindi nagtatangi ng tao, subali't maaari ka sigurong magtaka kung bakit me mga isinisilang na me taglay ng kapansanan.
Siguro nagtatanong ka, bakit si ganun pinanganak na bulag, si ganitong kambal naman ay ipinanganak na magkadikit ang katawan. Si Juan ipinanganak na me bukol sa dibdib at likod (kuba).
Ang mga bagay at pangyayaring yan ang nagpapatunay sa Batas ng Karma, (Kung ano ang inihasik ay siyang aanihin). Hindi naman lahat ay nakaukol lamang sa negatibo, ang Karma ay nakaukol din sa kabutihan o pagpapala.
Kitang kita naman natin sa mga halimbawa sa unahan kung ano ang nagawa ng tao sa nakaraan nyang buhay para sya magkaganun sa kasalukuyan nyang buhay.
Una -- ang bulag ay maaring inabuso nya ang kanyang mata para sa sariling kapakinabangan at pagpapasasa, pwedeng ginamit nya ito sa paninilip o sa pag saksi sa hindi katotohanan tulad ng isang saksi sa korte at nagpahamak sa isang taong wala naman kasalanan.
Ikalawa -- yun tinatawag natin na kambal tuko or siamese twin -- sila ang mga magkalabang mortal noon sa nakaraan nilang buhay, kaya ang ginawa ng batas ng kalikasan ay pinagdikit sila para matutunan nila ang magkasundo at magkaisa sa buhay nila ngayon.
Ikatlo -- yun sinasabi nating me kapansanan ng pagiging kuba, sila yun mga taong sinubukan pagalawin ang kapangyarihan ng 'kundalini' subalit walang supervision ng isang Guro o Maestro. Sila yun mga sumubok at gumamit ng pamamaraan ng black magic.
Ang kundalini ay ang kapangyarihang nasa sa tao (latent) at ito ay nakaloklok sa ating Spinal Cord. Malakas ang power na ito kung kaya't kinakailangan nasa pamamahala ng isang Maestro ang mag-aaral na susubok pagalawin ito.
Sa pamamagitan ng pagkaunawa sa batas na ito ay natututo tayong gumawa ng mas mahusay na mga pagpipilian at unti-unting nating mapapamahalaan ang ating sariling tadhana.
Sa pamamagitan ng mga karanasang dumarating sa ating buhay ay matatamo natin ang kabuuan at mga esensya ng mga karanasan at mapapamahalaan natin ang sarili at maging isang ganap at Perpektong nilalang.
Isang Maestro ng Karunungan -- na lubos nang naihahayag ang kabanalan at karunungang nananahan sa loob ng bawat isa sa atin. Isang nilalang na napagtagumpayan na ang lahat ng hamon sa buhay ng pagiging isang tao. Isang nilalang na naging kaisa na sa Diyos na nasa loob Niya. Isang Perfected Master of Wisdom.
Ito ang layunin ng Buhay ng Tao, ang mapagtagumpayan ang lahat ng mga karanasang dumarating sa ating buhay dito sa mundo. Hindi ito madali, ito ay gumugugol ng mahabang panahon ng pag-iral dito sa Plano Pisikal.
Maraming ng pagsasalaman (Re-incarnation) ang pinagdadaanan ng isang taong tumatahak sa daang ito. At lahat ng tao ay tatahak sa daang ito batay sa kaniyang pagpapasya.
Ito ang layunin ng pag-iral ng tao sa mundo, ang maging isang ganap sa Sakdal at maging kamanggagawa ng Diyos.
Hindi lamang na para maging isang matagumpay na negosyante o kung anupaman ang estado nya sa lipunan na kanyang ginagalawan...
Ang sabi sa Biblia ng Panginoong Jesus, " magpakasakdal nga kayo na tulad ng inyong Amang nasa langit na Sakdal.
No comments:
Post a Comment