Pages

Food of the Soul

Pagkain- ito ang isang mahalagang bagay na kinakailangan ng isang nilalang para mabuhay, para magpatuloy sa kanyang pagiral dito sa daigdig, maging anuman siya kailangan nyang kumain. Subalit nakasulat na banal na aklat " ang tao'y hindi nabubuhay para kumain at uminom lamang kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Panginoon." 

Ano ba ang mga salitang ito, ito ang mga kaalamang spiritual na nagbibigay sa tao ng nutrisyon para sa kanyang kaluluwa. Sinasabi ng isang tagapagturo na ang lahat ng ginagawa ng isang tao na nakakatulong sa pag-unlad ng kanyang kapwa ang espirituwal in nature, maging ito ay sa trabaho, sa larangan socioeconomic, sa agham, politika, sining at kultura, at sa relihiyon. 


Ano ba  ang kaluluwa at papano ito kumakain? Ayon sa una nating tinalakay ang kaluluwa ay ang bahagi ng Dios na inalawit sa katawang pisikal at ito ay nakaluklok sa pagitan ng kilay. Ito ang malay na ginagamit natin upang mamalayan ang lahat ng mga bagay na ating ginagawa sa lahat ng sandali. 



Kumakain ang kaluluwa sa pamamagitan ng mga pangyayaring dumarating sa ating buhay sa bawat sandali. Sa pamamagitan ng mga karanasang ito nagiging malakas ang ating kaluluwa, tayo mismo bilang malay. Ang mga karanasang ito ang ating dakilang tagapagturo, kaya nga sinasabi ng isang tagapagturo "harapin mo ang mga bagay ng may malay at pangunawa." Huwag tayo tatalikod at umiwas sa mga pangyayari sa ating buhay, pag-aralan natin ang mga ito at harapin ng may katalinuhan. 

Kapag nalagpasan natin ang isang pangyayari ay doon tayo lalong lumalakas bilang kaluluwa. At karaniwan ang mga pangyayaring ito ay yaong masasakit na pangyayari sa ating buhay. Isa sa karaniwang halimbawa ng masasakit na pangyayari ay ang mamatayan ng mahal sa buhay, di ba masakit yun, mahal na mahal mo sya tapos biglang mawawala sa piling mo. Subalit nalalagpasan pa rin natin yun dahil nauunawaan natin na ang buhay dito sa lupa ay nagsisimula sa pagsilang at nagtatapos sa kamatayan.  

No comments:

Post a Comment