Magandang araw kapatid, sana ay nasa maayos ang kalagayan mo at nalalagpasan mo ng may katalinuhan ang lahat ng mga pagsubok sa iyong buhay.
Ang ating paksa ngayon ay tungkol sa pagkakaroon ng bakla at tomboy. Wala po akong anuman laban sa mga kapatid nating nasa ganitong kalagayan.
Food of the Soul
Pagkain- ito ang isang mahalagang bagay na kinakailangan ng isang nilalang para mabuhay, para magpatuloy sa kanyang pagiral dito sa daigdig, maging anuman siya kailangan nyang kumain. Subalit nakasulat na banal na aklat " ang tao'y hindi nabubuhay para kumain at uminom lamang kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Panginoon."
Ano ba ang mga salitang ito, ito ang mga kaalamang spiritual na nagbibigay sa tao ng nutrisyon para sa kanyang kaluluwa. Sinasabi ng isang tagapagturo na ang lahat ng ginagawa ng isang tao na nakakatulong sa pag-unlad ng kanyang kapwa ang espirituwal in nature, maging ito ay sa trabaho, sa larangan socioeconomic, sa agham, politika, sining at kultura, at sa relihiyon.

Ang Tao at Kanyang Katawan!
Ang tao ang sinasabing pinakamataas na uri ng hayop sa balat ng lupa,ito ay isang kasabihan na maaring totoo, at me mga kaalaman din na nagsasabi ng ganito. Subalit ano nga ba talaga ang tao?
Ayon sa matandang karunungan (Ancient Wisdom) ang tao ay dumaan sa mahabang ebolusyon bago narating ang kasalukuyan nyang kalagayan sa ngayon.Sinasabi rin ng kaalaman na ang tao ay binubuo ng pitong katawan.
Ang unang katawan ay ang katawan pisikal, ito ang nakikita natin na tinatawag nating "katawan ko." Ito ay ginagamit natin sa paghahayag dito sa plano pisikal or physical plane. Ang katawang ito ang ginagamit natin sa lahat ng bagay na nangangailangan ng pagkilos o pag gawa, madali itong makilala sapagkat nakikita natin ito.